177

By

Bato kay Bong Revilla: Unahin mo ang pagiging senador kaysa pag-aartista

Pinaalalahanan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na bigyang prayoridad ang kanyang trabaho sa Senado kaysa pagbabalik sa telebisyon.

“Depende how he manage his time. First and foremost he is a senator, pangalawa na ang pag-aartista. So priority niya dapat trabaho niya dito. Alam niya ‘yan,” pahayag ni Dela Rosa sa mga reporter nang hingan ng reaksiyon hinggil sa pagbabalik showbiz ni Revilla.

Si Revilla ay napabalitang maggi-guest sa “The Gift” ng GMA 7 at napaulat na gaganap sa isang drama-fantasy anthology na wala pang titulo.

Si Revilla ay nagbida noon sa Idol ko Si Kap (2000—2005) at naging host ng Kaps Amazing Stories (2007-2014), na parehong ipinalabas noon sa GMA 7.

Payo pa ni Dela Rosa, binoto umano si Revilla ng taumbayan kaya’t hindi niya dapat pabayaan ang kanyang trabaho sa Senado.

“Binoto siya ng taumbayan para maging senador, so priority niya ito (pagka-senador). Yung pag-aartista kaya niyang i-manage, alam niya ‘yan,” sabi ni Dela Rosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?