46
Bato-dela-rosa
By

‘Bato’ inutusan ni Digong na tumakbong senador

Sharing is caring!

Desidido na si Bureau of Corrections Director Ronald “Bato” Dela Rosa na tumakbo sa pagka-senador sa Mayo 2019.

Inihayag niya ang desisyon matapos manumpa bilang miyembro ng PDP Laban sa harap ng pangulo nito na si Senador Koko Pimentel III.

Ayon kay Dela Rosa, talagang gusto niyang maging senador dahil gusto niyang isulong ang death penalty para sa mga drug pusher at big time drug dealers.

Nais rin daw niyang gumawa ng mga batas para maisaayos ang corrections sytem sa mga gumagawa ng krimen.

Una niyang binalak na tumakbo sa pagka-gobernador ng Davao Del Sur dahil iyon ang utos ng pangulo pero nagbago ang isip at pinatatakbo na siya sa pagka-senador.

“I don’t know the reason kung bakit nabago. But anything he says susundan ko. But well mas gusto ko rito, hindi ako nagpapa-cute. Sa totoo lang,” sabi ni Dela Rosa.

Lumakas naman umano ang kaniyang loob na kumandidato sa pagkasenador dahil sa ‘go signal’ ng pangulo at dahil sa mataas niyang pwesto sa ilang survey.

Nang tanungin kung saan siya kukuha ng campaign funds, sinabi nito na “Bahala na si Lord, hindi drug lord ha!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?