64

Oct 25, 2021 @ 13:51
By

Bato, Inday Sara nag-eyeball sa Davao

Mukhang may nilulutong plano sina presidential aspirant Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Makikita sa Facebook post ng Senador ang picture nila ng alkalde na kuha sa Davao City Hall ngayong Lunes.

https://www.facebook.com/1464250259/posts/10221055452883697/?d=n

“Teaser lang muna ito sa aming meeting with Mayor Inday Sara minutes ago at Davao City Hall,” caption ni Bato.

Matatandaang nito lamang nakaraang linggo nang magkita sina Inday Sara at presidential candidate Bongbong Marcos sa Cebu.

Ani Sara, bumisita siya sa naturang probinsya para makipag-usap sa kanyang pinsan na si Cebu 5th district board member Red Duterte. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?