60

Oct 17, 2017 @ 12:28

Bato: Ibalik sa PNP ang anti-illegal drugs ops

Hihilingin ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa kay Pangulong Rodrigo Duterte na muling ibalik sa kapulisan ang pangunguna sa pagsasagawa ng anti illegal drugs operation.

Pero ito aniya ay kung sa mga susunod na araw ay makikita o maoobserbahan nilang parang ‘candy’  na naman ang bentahan ng shabu bansa.

Kung mangyari ito, sinabi ni Dela Rosa na asahan na ang pagtaas ng heinous crime katulad ng panggahahasa at mga karumadaldumal na pagpatay.

Naniniwala ang PNP Chief na sa kanilang pinag-igting na war on drugs sa bansa ay nabawasan ang mga ganitong kalakaran sa iligal na droga sa bansa. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?