122

By

Bato hindi eepal sa Senate hearing; hindi magpapaiyak ng testigo

Wala umanong plano si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na pumapel at magpaiyak ng mga resource person sa mga pagdinig sa Senado.

“Yung para mag-hearing hearing, para mag-epal epal lang, pakita mo sa tao na naghi-hearing hearing siya, I will not do that. Kung may issue, kailangan aksyunan natin agad,” pahayag ni Dela Rosa sa Kapihan sa Senado.

Ginarantiya din ng bagitong senador na igagalang niya ang lahat ng testigo at hindi paiiyakin ang mga ito tulad ng ginawa sa kanya noong dumalo siya sa pagdinig sa Senado, ilan taon na ang nakakaraan.

“Yung paiyakin ka sa sama ng loob dahil nga porke sila ang senador dito, sila ang may contained power, pasiga-siga ka diyan, resource person ka lang iko-contempt kita. ‘Yung mga ganoon, I will never do that,” sambit pa ni Dela Rosa.

Ayon sa dating Bureau of Corrections chief, irerespeto niya ang lahat ng iimbitahang resource person sa Senado, ordinaryong mamamayan man ito o opisyal ng gobyerno.

“I will respect resource persons whenever they are invited during hearings. Pero kung sakaling salbahe ‘yung resource person then we have to, dapat i-treat din as ganoon,” sabi pa Dela Rosa.

Noong 2016, umiyak si Dela Rosa na noo’y hepe ng Philippine National Police matapos akusahang nasa likod ng extrajudicial killing sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?