186

Oct 12, 2021 @ 15:41
By

Bato hihingin basbas ni Duterte vs Mayor Sara

Inihayag ni PDP-Laban presidential bet Senator Ronald “Bato” dela Rosa hihingin niya ang basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo laban sa anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio sakaling sumabak din sa presidential rate ang huli sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD).

Sabi ni Dela Rosa, isa siyang sundalo na susundin ang desisyon ng liderato ng PDP-Laban kung saan kasapi rin ang presidente.

“I will ask the President. Tanungin ko siya ‘Sir, papayag ka ba na kaming dalawa ni Mayor Inday magbabanggagn?’” pahayag ni Dela Rosa sa panayam sa CNN.

“Kung sabihin niya na papayag siya, by all means, nandiyan ako para sumunod sa ating Pangulo. Pero kung sabihin niya na huwag, then alam mo na ano gagawin ko. But as I have said, mag-antay ako ng party decision,” dagdag nito.

Para kay Dela Rosa, malapit na kaalyado ni Mayor Sara, mas gugustuhing niyang isa na lang sa kanilang ang tumakbo sa pagkapangulo sa eleksyon 2022.

“Pesonally na mas maganda kung iisa na lang sa amin ang tatakbo para hindi mahati [ang boto]. But still, I will abide by the party decision. Kung ano sabihin ng partido ko, sunod ako,” sabi ng senador.

Noong Lunes, sinabi ni Dela Rosa na nakahanda naman siyang umurong sa pagtakbo sa pagka-presidente kung tatakbo si Mayor Sara sa ilalim ng PDP-Laban.

Sinabi naman ni Lakas-CMD stalwart Prospero Pichay na bukas ang partido kay Mayor Sara sakaling magbago ang isip nito at ituloy ang pagtakbo sa pagka-presidente sa 2022.

Ilang beses nang sinabi ng anak ng pangulo na hindi siya tatakbo sa pagka-pangulo at naghain na rin ito ng COC para sa kanyang reelection bilang alkalde ng Davao City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?