By

Bato gustong maging pinuno ng ‘vigilante group’

Sharing is caring!

Kung si Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa ang tatanungin nais nyang mamuno ng vigilante group kapag siya ay retirado sa serbisyo.

Ito ay kung magpapatuloy pa rin sa pamamayagpag ang mga police scalawags na nakakasira sa imahe ng PNP.

Pero paliwanag ni Dela Rosa mangyayari ang plano niyang ito kung talagang “extreme” na ang ginagawang kalokohan ng mga Police scalawags.

“Very extreme na yun kung talagang sobrang frustrated na tayo, pwede siguro tayo last resort yan parang yung tawag natin na hopeless na suicidal na tayo pwede tayong mag vigilante” sinabi ni Dela Rosa.

Sa huli, ani Bato, magtitiwala pa rin umano ang tao sa kakayahan ng susunod na mamumuno sa PNP sa pagpapahinto sa problema sa iligal na aktibidad ng mga Police scalawags.

Naninindigan si Dela Rosa na hindi tamang magpakabait na lamang kung nagiging bayolente na ang mga Police scalawags. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?