25

Oct 12, 2021 @ 15:29
By

‘Bato-Go’ caravan ilalarga ng PDP-Laban

Ilalarga ng PDP-Laban Cusi Wing ang tandem nina Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa at Senador Bong Go kahit pa naroon ang posibilidad na magbago ang naturang tandem sa Nobyembre 15.

Ayon kay PDP-Laban secretary general Melvin Matibag, tuloy ngayong linggo ang caravan nila para ipahayag ang Bato-Go tandem.

“Sabi November 15 yung cut-off but what is important right now is we will roll out already our caravan of a Bato-Go tandem starting this week,” pahayag ni Matibag sa panayam ng CNN ngayong Martes.

Ito raw ay kahit batid nila na pwedeng magbago ang kanilang mga pambato sa pangulo at maging sa pangalawang pangulo sa susunod na buwan.

“Kung ano man ang mangyari sa November 15, we are ready for that, we are preparing for that,” dugtong pa ni Matibag. “We are rolling the campaign of a Bato-Go tandem. Sabi nga namin, ‘BA-GO 2022 para sa tuluy-tuloy na pagbaBA-GO.'”

Isa sa mga haka-haka ay si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang magiging substitute ni Dela Rosa ngunit isa pang partido na nag-aabang sa desisyon ng presidential daughter ay ang Lakas-CMD.

Samantala, iaanunsyo na rin umano ng PDP-Laban Cusi faction ang mga bubuo sa kanilang senatorial slate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?