Bato, emosyonal sa pamamaalam sa PNP

Sharing is caring!

Nagpasalamat at humingi ng paumanhin sa hanay ng mga pulis si outgoing Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa kanyang huling pagdalo sa regular na flag-raising ceremony sa Camp Crame.

Sa kanyang talumpati, naging emosyonal si Bato at sinabing nagpapasalamat siya sa hanay ng pulisya sa suportang ibinigay sa kanya habang humingi ng paumanhin sa mga pulis na hindi naging kuntento sa kanyang pamamalakad o pamumuno sa PNP.

Paliwanag ni Dela Rosa, noong una raw ay nagagalak siya sa kanyang retirement na dapat ay nakatakda nitong nakalipas na Enero ngunit pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang panunungkulan, pero ngayon ay nakakaramdam siya ng lungkot.

Hinikayat naman ni Dela Rosa ang buong PNP na suportahan si NCRPO Director Oscar Albayalde na papalit sa kanyang posisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?