159

Bato, Ejercito, Tolentino aprub na ilabas ni Duterte ang medical bulletin

Lahat ng mga walong senatorial hopeful na sumalang sa forum ay kumbinsidong dapat maging transparent ang Pangulo sa kanyang estadong pangkalusugan.

Sa naging forum ng CNN Philippines, naitanong kung dapat bang i-authorize ng Pangulo ang kanyang medical bulletin patungkol sa kanyang kalusugan.

Binigyan ng placard ang walong tumatakbo sa pagka-senador na sina Magdalo Rep. Gary Alejano, Senador Bam Aquino, Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, Chel Diokno, Senador JV Ejercito, Presidential Adviser Francis Tolentino, Sergio Osmeña at Juan Ponce Enrile para sumagot ng ‘yes’ o ‘no’.

Lahat ng mga ito, kahit ang mga kilalang kaalyado ni Duterte na sina Bato, Tolentino at Ejercito ay pabor na ilabas ito ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?