207

By

‘Bato’ dela Rosa, Philip Salvador, Faeldon bagong kasangga ng PDP-Laban

Sharing is caring!

Nanumpa ngayon bilang bagong miyembro ng PDP Laban sina Bureau of Corrections Director Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, Office of Civil Defense (OCD) Deputy Administrator Nicanor Faeldon at aktor na si Philip Salvador.

Nanumpa sila sa harap ni Senador Koko Pimentel na pangulo ng partido.

Ayon kay Pimentel, sigurado nang makakasama si Dela Rosa sa pagpipilian para makabilang sa senatorial slate ng partido.

Hindi naman niya tiyak kung ano ang posisyon na balak takbuhan nina Faeldon at Salvador.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, campaign manager ng partido, hindi pa nila tiyak kung kakandidato si Faeldon na sa ngayon ay presintado lang umano na tumulong sa kampanya ukol sa pederalismo.

Hindi rin tiyak ang plano ni Salvador na nung tanungin ng media ay nagsabi lang na “tatakbo ako sa kinatatayuan ko.” 

Nanumpa sila sa opisina ni Pimentel sa Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?