78

By

Bato dela Rosa kailangan ng mga Pilipino – Teddy Boy Locsin

Dinepensahan ni Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr. ang panlalait ng ilan kay senatorial candidate Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa naging sagot nito sa post-election interview.

Sa naturang interview ay sinabi ni Dela Rosa na tatawagan niya sina JV Ejercito at Koko Pimentel para tanungin kung ano nga ba ang trabaho ng isang senador.

Sinabi rin ni Bato na handa siyang dumalo sa seminar na nagtuturo kung paano gumawa ng batas.

Dahil sa sinabing ito ni Bato ay umugong sa social media ang pang-aasar, inis, at panlalait ng ilan dahil sa diumano’y wala namang alam si Bato sa paggawa ng batas ngunit isa ito sa mga wagi sa senatorial race sa nagdaang midterm elections.

Depensa ni Locsin, mabuting tao si Bato at may malaking puso. Kailangan umano ito ng mga tao kaya pinili ito ng taumbayan.

“He is a good man with a great big heart. The people need him; they don’t need self-righteous self-important bullshetters and that is why they chose him,” ani Locsin sa kaniyang post sa social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?