120
Bato dela Rosa hindi magiging sunud-sunuran kay Duterte
May 22, 2019 @ 15:21
By

Bato dela Rosa hindi magiging sunud-sunuran kay Duterte

Pinawi ni Senator-elect Bato dela Rosa ang pangamba ng publiko na magiging sunud-sunuran umano siya kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado.

Sa kanyang press con, sinabi ni Bato na wala siyang balak magpagamit sa kasalukuyang administrasyon kahit pa kaalyado niya ang Pangulo.

Inalala niya ang naging pag-uusap nila ni Duterte noong siya’y tumatakbo bilang Senador.

“The other night, tinawagan ko si Presidente, tinanong ko siya. Sir, any advice, any guidance bago ako papasok sa Senado?’,” saad ni Dela Rosa matapos iproklama.

“Ang sabi nya sa akin ‘Bato, you are already a senator of the Filipino people, you are not a senator of Duterte, hindi kita pakikialaman dyan sa trabaho mo’,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?