944

By

‘Bato’ Dela Rosa awang-awa kay Duterte sa laban kontra korapsyon

Sharing is caring!

Lahat na umano ng kayang gawin ng isang Pangulo ay ginagawa na ni Presidente Rodrigo Duterte para masugpo ang korapsyon, ito ang paniniwala ng dating police chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Nang maitanong sa senatorial forum ng CNN Philippines kung pabor ba ang mga kakandidato sa pagka-senador sa death penalty para sa mga drug personalities, yes ang tugon ni Bato at kanyang kaalyado rin na sina Francis Tolentino at JV Ejercito.

Isa pa sa kinuwestiyon sa nasabing forum ay kung sapat na ba ang naging solusyon ni Duterte para malabanan ang korapsyon, binigay na halimbawa ang Bureau of Customs at Department of Public Works and Highways bilang sa pinakakurakot na ahensya ng gobyerno.

Tugon ni Dela Rosa, pinuri nito si Duterte na ang tanging Pangulo lang na may lakas na loob na linisin ang buong Customs, at sinabi pang kawawang-kawawa umano si Digong dahil sa laban kontra korapsyon.

Kanya ring binalikan ang isyu ng death penalty, sinabing kahit mga korap na opisyal ay dapat ding pag-aralan na masama sa death row.

“Death penalty sa corurption dapat para mahinto once and for all..o ayaw na naman ninyo?” sambit ni Dela Rosa habang nakakatanggap ng pasaring mula sa crowd.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }