466

Aug 15, 2019 @ 16:12

Bato: Cong. Zarate walang kuwentang magulang

Hindi na naitago ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang kanyang pagkainis kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate dahil hindi nito nagawang ibalik ang nawawalang estudyante sa kanyang mga magulang.

“I tell you, Cong. Zarate, you are also a parent, if you are responsible parent, alam mo umiiyak ang mother, hindi ka ba naawa sa mother? Tinulungan mo na sana inihatid mo ang bata sa mother?,” himutok ni Dela Rosa.

“Anong klaseng parent ka? Nakita mong grabeng hirap ng parent tapos ikaw andiyan, presscon-presscon mo pa. Kung ikaw responsableng congressman dalhin mo yung bata. Maawa ka ipakita mo,” dagdag nito.

Ang tinutukoy ni Dela Rosa ay si Alicia Lucena, dating senior student ng Far Eastern University at anak ni Russel Lucena, na ilang buwan na umanong nawawala matapos sumanib sa grupong Anakbayan.

Habang nagsasagawa ng pagdinig ang Senate Public Order and Dangerous Drugs Committee noong Huwebes, inilutang naman ni Zarate at iba pang miyembro ng Makabayan bloc si Alicia para sa isang press conference sa Kamara.

Pero hindi natuwa si Dela Rosa sa ginawang paggamit umano ni Zarate at iba pang kongresista kay Alicia.

“Dapat ang ginawa mo, eto pareho tayong father, dapat ‘ibalik’ bata sa grieving mother. At least you’ve done an amount of kindness as a public servant to grieving mother,” ani Dela Rosa.

Binatikos pa ng senador ang mga militanteng kongresista dahil ginagamit lang umano nila ang kanilang posisyon para sirain ang gobyerno.

“Too much of pagbibigay ng mga taong ito. Kawawa ang gobyerno. They are joining the government to destroy the government. It is very clear, ano pa ba ang ginagawa nila? Bakit ganoon? Naglolokohan lang tayo dito,” giit niya. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?