722

May 8, 2021 @ 17:12
By

Bato: Carpio duwag dahil ayaw palagan si Roque

Tinawag na duwag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa si retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio matapos tanggihan nito ang alok ni presidential spokesman Harry Roque na sila na lamang ang magharap sa isang debate.

Sa isang panayam nitong Sabado, sinabi ni dela Rosa pwede ring pausuhin ang hashtag na Carpio duwag dahil sa pag-atras nito sa hamon ni Roque.

“Pwede rin tayong maghashtag na duwag si Carpio dahil ayaw niya lumaban kay Roque,” saad ng senador.

Dinepensahan din ni dela Rosa si Pangulong Rodrigo Duterte na siyang naunang naghamon ng debate kay Carpio ngunit kalaunan ay umatras at sinabing si Roque na lamang ang haharap.

“Ganun lang yun kung ayaw ni president mag-stoop down sa level ni Carpio then bakit mo pipilitin presidente yan bakit ka makipagdebate ano ang makukuha mo diyan, gusto man ni president na makipag-debate kung ayaw ng gabinete niya di na siya makikipagdebate, gusto niya matuloy debate bibigyan niya ng representative. Kanya-kanyang hashtag lang yan,” dagdag pa ng senador.

Nitong Biyernes ay nagtrending sa social media ang hashtag na #DuterteDuwag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?