84

Oct 24, 2017 @ 19:14

Bato binakbakan ang SWS survey: Piecemeal attack yan sa PNP!

Wala nang dahilan para ulit-ulitin ng Social Weather Station ang kanilang survey patungkol sa naging laban ng Philippine National Police kontra iligal na droga.

Ito ang reaksyon ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, kasunod ng resulta ng panibagong survey ng SWS na sinasabing 37 porsiyento ng mga Pilipino ay hindi naniniwala sa katuwiran ng mga pulis na nanlaban ang mga napatay na drug suspects.

Kinuwestiyon pa ni Dela Rosa ang motibo ng mga gumagawa ng survey lalo’t hindi na ang PNP ang nangunguna sa anti illegal drugs operations.

“Yun nga e piecemeal attack ang ginagawa nila sa amin a. Veryobvious that’s piecemeal attack. Nilabas na nila yan noon pa pala sa survey na yan ngayon dahn dahan na naman ilalabas question by question which para bang naubusan na tayo ng bala na pantira sa PNP,” sinabi ni Dela Rosa.

Ipinagpasalamat naman nito ang tiwalang ipinagkakaloob sa PNP ng mga taga-Quezon City matapos ang ipinasang resolution ng Quezon City Council na isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte na hiling nilang ibalik na sa PNP ang pangunguna sa war on drugs.

Sa huli, ayon pa kay Dela Rosa, ang pangulo pa rin ang magdedesisyon kung dapat bang ibalik sa PNP ang kapangyarihan na magpatulay ng anti-illegal drug operations. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?