121

Oct 19, 2021 @ 19:24
By

Bato: BBM hindi dapat mag-sorry sa mali ni Marcos

Para kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, dapat i-acknowledge ngunit hindi dapat humingi ng paumanhin si Bongbong Marcos sa pagkakamaling nagawa ng pumanaw niyang amang si Ferdinand Marcos Sr.

Ani Dela Rosa, ang kasalanan ng ama ay hindi kasalanan ng anak.

“Siguro, i-acknowledge niya kung mayroon ‘yung mga kamalian na nagawa ng kanyang tatay but hindi siya mag-apologize doon sa nagawa ng tatay niya, dahil ang kasalanan ng tatay ay hindi naman siguro kasalanan ng anak,” lahad ni Dela Rosa sa panayam sa ANC.

“That’s fair enough na sabihin natin ni-recognize niya na may ill-gotten wealth. Pero kung mag-sorry and apologize for the mistakes of his dad, kawawa naman,” dagdag niya.

Pero aniya, kung siya ang nasa sitwasyon ay personal siyang magso-sorry sa kamalian ng kanyang ama dahil madali naman daw itong gawin.

“Fair lang tayo, kasalanan ng ama, hindi kasalanan ng anak. Pero kung nangyari sa akin ‘yan, nagkasala ‘yung tatay ko, wala namang problema kung mag-apologize ako. Madali lang naman ‘yang gawin,” sambit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?