76
bato-senatorial-survey
By

Bato, ayaw munang patulan ang pagpasok sa SWS senatorial survey

Kahit wala pang kumpirmasyon mula kay Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘ Bato ’ dela Rosa na tatakbo siya sa pagka-senador sa 2019 elections ay pumasok ito sa senatorial survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS).

Pero ayon sa hepe, maaari pang mabago ang resulta ng survey sa 2019 Senate race lalo na kapag nagretiro na siya sa serbisyo sa Abril.

Lumabas sa pinakahuling survey ng SWS na pang-16 si Dela Rosa sa mga tatakbo sa pagka-senador sa 2019 elections.

Nagpapasalamat naman ang hepe sa taumbayan dahil ikinonsidera siya para maging senador ng bansa ngunit nilinaw niyang sa natitirang tatlong buwan bilang PNP chief, mas gusto niyang ituon ito sa pagtatrabaho.

Ayaw niya raw kasing isipin ng publiko na lahat ng kanyang magiging desisyon sa PNP ay pamumulitika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?