80

Jan 20, 2021 @ 19:19
By

Bato: Anong espesyal sa UP?

Kinuwestiyon ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kung ano ang pagkakaiba ng University of the Philippines (UP) sa ibang unibersidad para magkaroon ng kasunduan sa Department of National Defense na pumipigil sa pagpasok ng state forces sa kanilang mga campus.

“Sa akin naman, nakita ko doon sa agreement na ‘yun, what is so special with UP? Bakit yung ibang academic campuses like MSU Marawi, walang ganoong agreement?” pahayag ni Dela Rosa.

“What is so special with UP, bakit sa UP lang bawal pumasok yung sundalo at pulis? Anong ibig sabihin niyan? Hindi naman lahat ng estudyante ng UP ay maka-kaliwa. Hindi naman lahat ng estudyante ng UP ay aktibista,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa dating Philippine National Police chief, kung ang komunista ay libreng nakakapasok sa UP para makapag-recruit ng mga estudyante, dapat payagan din ang mga pulis at sundalo na sumali sa kasundaluhan at kapulisan.

“Kung ang CPP-NPA ay libreng-libre na mag-recruit ng mga estudyante ng UP para sumali doon sa NPA sa bundok, sana ang Armed Forces at ang pulis puwede ring mag-recruit ng mga taga doon sa UP na sumali sa kasundaluhan o sa kapulisan. Para equal opportunity, di ba?” sabi ni Dela Rosa.

“Baka puwede rin naman kami mapagbigyan na makapag-recruit din para sa gobyerno natin, dahil nga UP is a government institution. Bakit pagbawalan mo ‘yung government na pumasok diyan?” dagdag nito.

Samantala, iginiit naman ni UP alumna Senadora Pia Cayetano na dapat upuan at pag-usapan ng dalawang partido ang nasabing usapin.

“As a premier university that has produced leaders in both government and the private sector and outstanding professionals and innovators in various fields who have all contributed to nation-building, UP deserves to be duly informed and engaged in meaningful dialogue,” sabi ni Cayetano.

Nauna nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na pinutol ang kasunduan sa UP dahil nagiging kuta ng mga kaaway ng gobyerno bukod sa naging breeding ground ng mga komunistang grupo.

Pinabulaanan naman ito ni UP Vice President for Academic Affairs Dr. Elena Pernia na nagsabing hindi nila pinapayagan ang pagre-recruit diumano ng NPA sa kanilang mga campus. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?