15

Oct 17, 2020 @ 19:29
By

‘Batman’ tuloy pag-shoot sa Liverpool

Nagpatuloy ang filming ng “Batman” sa Liverpool, England sa kabila ng ipinatutupad na citywide Tier 3 lockdown doon.

Isang stuntman na nakasuot ng Batman costume ang nakunan ng litrato at video habang nasa taas ng Royal Liver Building noong Huwebes.

Ayon isa isang Liverpool City Council spokeswoman sa ulat ng The Sun, ang mga bagong restriction sa Liverpool ay walang epekto sa pagsu-shooting sa city region.

Magugunitang natigil ang shooting ng bagong Batman movie nang magpositibo sa coronavirus ang bidang si Robert Pattinson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?