30

Jul 31, 2021 @ 15:56
By

Batista kinantiyawan Disney sa asunto ni ‘Black Widow’

Kinantiyawan ni American actor Dave “Batista” Bautista ang Disney matapos itong magkaproblema kay Scarlett Johansson.

May legal battle ngayon si Johansson at ang Disney tungkol sa kita ng “Black Widow”.

Sabi ni Johansson, breach of contract ang ginawa ng Disney nang ipalabas nang sabay ang pelikulang pinagbidahan niya sa mga sinehan at Disney Plus.

Aniya, nawalan siya ng milyon-milyong dolyar na backend profit dahil sa pagpapalabas ng “Black Widow” sa Disney Plus.

Rumesbak ang Disney at sinabing “callous disregard” sa COVID-19 pandemic ang lawsuit ni Johansson dahil nakatanggap naman na umano ang aktres ng $20 million kita mula sa pelikula.

Biro tuloy ng Marvel star na si Bautista, naiwasan sana ang sigalot kung nakinig lamang sa kanya na gawin na lamang ay “Drax” movie.

Sa tweet, nag-react si Bautista sa lawsuit ni Johansson at sinabing: “Told em they should’ve made a #Drax movie but noooooo!”

Si Bautista ang gumanap na Drax The Destroyer sa mga “Guardians of the Galaxy” film at lumabas din sa “Avengers: Infinity War” at “Endgame”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?