58

Sep 29, 2021 @ 17:14
By

Batista inampon minaltratong tuta

Hindi lamang kampeon sa wrestling kundi champion din sa kabaitan si WWE star Dave “Batista” Bautista.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Bautista ang nakakadurog ng pusong karanasan ng isang tuta sa kamay ng kanyang amo.

Dahil sa pagkakatali ay makikitang bumaon na ang kadena at nagkasugat-sugat ang leeg ng kawawang tuta na si Penny Lane.

Kaya nanawagan si Bautista sa publiko na imbes bumili ng mamahaling aso ay mag-ampon na lamang ng mga hayop na inabandona o inabuso.

“She survived a nightmare. Now she’s living the puppy dream. Please don’t make her story an exception. #AdoptDontShop #WelcomeHome Penny Lane,” saad ni Bautista.

https://www.instagram.com/p/CUXha89lJL_/

https://www.instagram.com/p/CT9_-HKI_8S/

Nag-alok din si Bautista ng reward na $5,000 na sinumang makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa umabuso kay Penny Lane para maipakulong ito. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?