78
chess
Jan 2, 2020 @ 16:58
By

Batislaong kampeon sa Tacurong chess

Tumulak ng apat na sunod na panalo si Knarf Lawrence Batislaong upang maghari sa katatapos na 2nd MCN FIDE Rated Standard Tournament na ginanap noong Disyembre 31 sa Tacurong City sa Sultan Kudarat.

Kinaldag ni Batislaong si Ian Emanuelle Necesito sa 13th round upang ilista ang 11.5 points sapat upang angkinin ang titulo sa 14-player single round robin tournament.

Nagsimula ang pananagasa ni Batislaong nang kalusin nito si Sean Harris Yasin sa round 10, pagkatapos ay isinunod sina Jessia Marie Dadivas at Philip Gregory Pe sa 11th at 12th round.

Solo sa second place si Ferdinand Leysa na may 10.5 puntops, tabla ang laro niya sa last round laban kay Jerome Apura na nakopo ang pangatlong puwesto tangan ang 10 puntos.

Dalawang woodpusher ang nagtala ng tig-8.5 points subalit hinirang na fourth place si Cecilio Acas matapos idaan sa tie-break, lumanding sa fifth si Quirstine Anne Acuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?