198

Nov 20, 2019 @ 12:32
By

Batiller, Yu binasura ng UE; nagningning sa Letran

Tapos makuha ni Bonbon Batiller ang kampeonato sa NCAA season 95 men’s basketball tournament 2019 Martes ng gabi, malaki ang pasasalamat niya na mapabilang sa Letran mula sa pamumuno pa ng former coach nilang si Jeff Napa.

“May papasalamatan lang ako dito sa grupo [Letran]. Bago si coach Bonnine, si coach Jeff (Napa),” namutawi sa 5-foot-11 guard na tumapos ng 19 points sa likod ng 27 ni Jerrick Balanza sa MOA Arena, Pasay.

Kinuwento rin niya ang karasanan mula nang itapon siya ng UE Red Warriors noong 2017 kasama ang pagdami ng haters niya at mga nagdududa sa kanyang kakayahan.

“Basura na ako [pero] pinulot ako ni coach Jeff. Kumbaga pinaliguan, inalagaan — ngayon champion na.”

Kasama ni Batiller na ni-recruit ni ang isang pang former UE guard na si Fran Yu na tinanghal na Finals MVP na nagbida sa Game 1 at may mahalagang walong puntos sa winner-take-all Game 3.

“Kailangan natin magpakita rito, kailangan nating patunayan yung mga nagda-doubt sa atin. Yung mga ‘di naniniwala sa atin,” panapos ni Batiller.

“Ayun, nakuha namin ni Fran yung championship. Laking pasasalamat kay coach Jeff.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?