108

Nov 16, 2019 @ 13:14
By

Batiller dismayado sa mintis

‘Di matanggap ni Bonbon Batiller ang masakit na pagkatalo ng Letran Knights sa San Beda Red Lions sa dikdikang 95th NCAA seniors basketball tournament 2019 best of three finals game two, 79-76, Biyernes sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Sinisi niya ang sarili sa pagkabigo ng CSJL dahil sa kapos niyang reverse lay-up na magbibigay na sana ng kampeonato team niya.

“Sabi ko sa sarili ko pagkapasok ko ng dugout, isang layup ko na lang wala na tapos na yung season,” pahayag ng former UE Red Warriors guard.

“’Di naman sa ano, pero siguro tapos na yung season kung napasok ko yung layup kaya sobrang down ako kasi nang dahil sa akin ‘di pa naming nakuha yun championship kahit may game 3 pa,” patuloy ni Batiller.

Kahit na tingin niya ay na sa kanya ang sisi dahil sa sablay, ayos lang naman iyon sa kanyang koponan dahil bukas naman ang pang-unawa ng kanyang teammates naniniwalang wala siyang kasalanan at break of the game lang ang nangyari.

“Alam niyo sobrang blessed ako kasi napunta ako sa team na ito, napunta ako sa grupo ng mga boss. Kasi nung namintis ko yung tira – wala. Wala silang sinabing negative sa akin,” panapos. “Ako lang ang nag-iisip ng sobra – wala talaga silang sinabing negative sa akin. Ganun nila ako kamahal at ganun ko sila kamahal.”

Tiniyak rin niya na gagawin niyang motivation ang pagkakamaling naitala niya upang ibawi ang koponan at dalhin ang korona sa Letran sa 3 do-or-die game sa sa Martes sa MOA Arena pa rin.

“Siympre-siyempre para sa akin gusto ko na mag-game 3 ngayon na, ngayon pa lang!” (Aivan Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?