78

Feb 25, 2020 @ 15:30
By

Bati na? Mar, Bam nagtagpo sa burol ng nanay ni VP Leni

Sa unang pagkakataon, nagsama sa iisang okasyon ang dalawang dating senador na sina Bam Aquino at Mar Roxas.

Nagkrus ang landas ng dalawa sa burol ng ina ni Vice President Leni Robredo na si Salvacion Gerona sa Eternal Chapels and Mortuary, Eternal Gardens sa Balatas Road, Naga City.

Magugunitang matagal ding hindi nagsama ang dalawa maging sa mga kampanya matapos magkairingan nang suportahan ni Aquino ang pagbasura sa disqualification case ni Senadora Grace Poe kaya naging lehitimo ang pagtakbo nito noong 2016 presidential election.

Kapwa tumakbo sa pagka-presidente noon sina Poe at Roxas na napagwagian ni ngayo’y Pangulong Rodrigo Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?