295

Apr 16, 2019 @ 14:52
By

Bati na kay Kuya PNoy! Erice blessing in disguise –Kris Aquino

Itinuring na ‘blessing in disguise’ ni Queen of All Media Kris Aquino ang inilantad ni Caloocan Representative Egay Erice na pinagsisisihan umano ni Mar Roxas ang pagkabit sa mga Aquino noong tumakbo ito sa pagka-Pangulo noong 2016.

Sa Instagram, sinabi ni Kris na mas lalo umano naging close ang kanilang pamilya dahil sa nasabing isyu habang ipinapakita ang kanilang mga picture kasama si dating Pangulo Noynoy Aquino, na inamin ni Kris na hindi sila in good terms ng kapatid.

“Because of you & your candidate, our FAMILY has moved so much closer to becoming WHOLE again,” ayon kay Kris.

Saad pa ni Kris, mas matimbang umano ang pamilya kaysa sa kahit anong may bahid ng politika dahil ang kadugo aniya ay panghabambuhay

“HINDI MO TINATALIKURAN ANG KADUGO MO. DAHIL SA UMPISA AT HULI, ANG HINDI MANGIIWAN SA YO- PAMILYA,” giit ng aktres,

Sa nasabing post, nag-comment ang kilalang oposisyon na si Jim Paredes na dinamayan si Kris sa mga kinakaharap na isyu.

“Bless you and your fam, Kris. Sending hugs,” ayon kay Paredes, na kamakailan lang ay nasangkot sa video scandal.

“we are imperfect people BUT one thing unites us- we take responsibility for our wrongs and we protect our families from what they should not be blamed for,” sagot naman ni Kris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?