13

Sep 3, 2020 @ 15:10
By

Batayan ng paglaya ni Pemberton sa ilalim ng GCTA dapat linawin – mga senador

Nais ng mga senador na magkaroon ng paglilinaw sa basehan ng maagang pagpapalaya ni Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ayon kina Senate President Vicente Sotto III at Senadora Panfilo Lacson, gusto nilang makita ang komputasyon ng mga awrotidad sa sentensiya ni Pemberton na bawasan dahil umano sa ‘good behavior’ sa kulungan.

Si Pemberton ay nakulong dahil sa pagpatay kay Filipino transwoman Jennifer Laude sa Olongapo City noong Oktubre 2014. Siya nasentensiya mauling ng anim hanggang 12 taon sa krimen niyang ginawa. Subalit noong 2016 nabawasan ang kanyang sentensiya sa 10 taon.

Noong Seteyembre 1, kinatigan ng Olongapo City Regional Court Branch 74 ang kanyang ‘plea’ para sa maagang paglaya.

“Siyempre dahil Filipino ang biktima at foreigner ang na-convict, masama ang loob natin,” sabi ni Lacson sa panayam sa radyo.

“Siyempre dahil Pilipino ang biktima at foreigner ang na-convict, masama ang loob natin. Di ba pag murder ang kaso alam nating reclusion perpetua, so 40 years yan. E parang 6 taon lang ang pinagkakulong,” sabi ni Lacson sa panayam sa radyo.

“Hindi natin alam ano ang intricacies nito. Bukod sa sinasabing may computation na ginawa para sa GCTA, siyempre may mga underpinnings yan na hindi naman dini-discuss in public or openly,” dagdag pa nito.

Sabi naman ni Sotto, kasama ang isyung ito sa ginawang imbestigasyon ng Senado sa kontrobersiya sa Bureau of Correction’s (BuCor) hinggil sa aplikasyoin ng GCTA rule.

“It is a good thing that the Blue Ribbon Committee of the Senate has not ended the hearing on the GCTA,” sabi ni Sotto sa panayam sa CNN Philippines.

Sinuspinde na ng Senado ang pagdinig sa GCTA issue at hanggang ay walang inilalabas na report ang Senate blue ribbon committee sa pamumuno ni Senador Richard Gordon.

Gayunpaman, sinabi ni Sotto na hindi maaring imbestigahan ng Senado ang pag-release ni Pemberton sa ‘separation of power’ sa lehislatura at hudikatura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?