655

May 7, 2019 @ 16:40
By

Batas para sa pagtitipid sa enerhiya, nilagdaan ni Duterte

Ganap nang batas ang Energy and Conservation Act matapos itong lagdaan ni Pangulong Rodrigo Dutrerte.

Abril 12 pa nilagdaan ang batas subalit ngayon lamang inilabas ng Malacañang ang pirmadong dokumento.

Sa ilalim ng bagong batas, isusulong ang paggamit ng renewable energy para matiyak ang matatag na power supply ng bansa.

Magkakaroon ng National Energy and Conservation Plan na magsisilbing framework para sa mga ilalargang programa para sa pagtitipid sa enerhiya.

Ang Department of Energy ang magpapasimuno sa implementasyon habang ang lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan ay inaatasang magpatupad ng mga hakbang para sa pagtitipid sa paggamit ng enerhiya.

Mataas ang konsumo ng enerhiya lalo na sa panahon ng tag-init kaya sa pamamagitan ng bagong batas ay babalangkas ng mga programa para sa pagtitipid na ipatutupad sa buong bansa hindi lamang sa panahon ng summer kundi sa buong panahon ng bawat taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?