162

Nov 22, 2021 @ 19:04
By

Batas para magamit apelyido sa pagkadalaga kahit kasal na umusad sa Kamara

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na patuloy na magamit ng isang babae ang kanyang apelyido sa pagkadalaga kahit na siya ay nagpakasal na.

Ang House Bill 10459, na naglalalayong amyendahan ang Civil Service Code of the Philippine (Republic Act 386) ay inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting.

Sa ilalim ng RA 386, ang isang babae na ikinasal ay maaaring gamitin ang kanyang pangalan at apelyido sa pagkadalaga na durugtungan ng apelyido ng kanyang napangasawa.

Maaari rin na ang kanyang unang pangalan at apelyido ng kanyang mister ang kanyang gamitin o ang buong pangalan ng kanyang mister pero lalagyan ng salita sa unahan upang matukoy na siya ang asawa gaya ng “Mrs.”

Sa ilalim ng panukala, magpapasok ng bagong probisyon para legal na magamit ng babae ang kanyang pangalan sa pagkadalaga ng hindi idinaragdag ang apelyido ng kanyang mister.

Layunin umano ng panukala na itaguyod ang equality sa pagitan ng lalaki at babae.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?