abante-tnt-vismin-kenneth-duremdes

Batas ni Duremdes hindi mababali!

Sharing is caring!

Hindi babaluktutin ang panuntunan ng MPBL para mapagbigyan ang iba, diin ni Commissioner Kenneth Duremdes.

Kaya hindi din mababago ang rules hinggil sa tig-isang Fil-foreign player lang bawat team na ipapatupad ng bagong liga, at least para ngayong season.

“May issues regarding dun sa policies ng MPBL na maraming nag-agree, marami din nag-disagree,” ani Duremdes, kasama sa PBA Legends na sasabak sa 3-point shootout ng All-Star leg sa Davao.

“Ang bottomline here, again, is, ‘yung guideline ng MPBL stays.”

Sinusunod lang daw nila kung ano ang nakalagay sa bylaws, pero sa mga susunod na seasons ay posibleng maamyendahan.

Kaya ang kaso ni Bobby Ray Parks, mananatili siya sa kategorya ng Fil-foreign player.

“Nandun kasi sa rules and bylaws ng MPBL, kung isang parent mo is not a Filipino citizen … considered siya sa liga na Fil-foreign. ‘Yun muna ang ginawa kasi ang vision talaga ng liga is more on local talent and homegrown.”

May iba pa ngang nagsabi na racist daw ang MPBL dahil dito. Pero ang rules ay kailangan din sundin.

“Sa mga future season, I can see naman na magiging flexible ang guidelines dun,” dagdag ni Duremdes. “For this season, ‘yun muna. I am very sorry for those players na naapektuhan.” (Vladi Eduarte)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?