75

By

Batas na magpaparusa sa bomb joke, aprub sa 2nd reading

Nakalusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang magpaparusa sa mga maling life threats gaya ng bomb threats.

Layon ng House Bill 9059 o ang Anti-False Bomb Threat Act na masiguro ang proteksiyon mula sa pagkalat ng mga impormasyon sa maling bomb threats o anumang life-threatening o destructive materials na makakaapekto sa buhay at ari-arian.

Ipinagbabawal din sa panukala ang pagpapakalat ng maling banta sa mga mode of communication gaya ng mail, telephone, fax, machine, printed materials at social media.

Sa ilalim ng batas, ang mga lalabag dito ay maaaring makulong ng hindi hihigit sa isang taon at pagmumulta ng P50,000 depende sa bigat ng paglabag.

Ayon sa principal author nito na si Marikina City 2nd District Rep. Romero Quimbo, nagdudulot umano ng “unnecessary anxiety” sa mga tao ang “false bomb threats”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?