250

Jun 15, 2021 @ 11:41
By

Batas inihain sa US para itigil tulong sa ‘Pinas

Isang mambabatas sa US ang naghain ng batas na magpapahinto ng mga tulong ng naturang bansa sa pwersang militar ng Pilipinas dahil umano sa mga paglabag ng administrasyong Duterte sa karapatang pantao.

Si Pennsylvania 7th District Rep. Susan Wild ang naghain ng batas, na pinangalanan niyang Philippine Human Rights Act (PHRA). Aniya, ang kanyang panukala ay ang dapat maging tugon ng US sa mga paglabag ng administrasyon sa karapatang pantao.

“What this bill says is very simple: US taxpayers’ funds should not be used to supply weapons to a regime that violently targets its political opponents, including US citizens like Brandon Lee, a human rights activist, who was shot by state security forces in 2019 and remains paralyzed from the chest down today. As a result of that attack, Brandon deserves to know that his government stands with him not with his attackers,” pahayag ni Wild.

“By blocking assistance to Philippine security forces until such time that human rights standards are met, this bill makes a common sense proposition. Standing up for human rights requires more than rhetoric, it requires action. The organizations involved in this fight demonstrate why it is so crucial. They span spectrum from grassroots human rights organizations to faith groups, to labor unions…” dagdag pa ng mambabatas.

Ayon pa sa mambabatas, kaisa ng mga Amerikano ang mga aktibista sa Pilipinas sa layuning protektahan ang karapatang pantao at karapatan ng mga manggagawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?