38

Sep 17, 2020 @ 21:54
By

Batangueño wagi ng P8.5M sa lotto

Nasungkit ng nag-iisang mananaya ang mahigit P8.5 milyong jackpot ng Lotto 6/42.

Ayon sa PCSO, natumpak lahat ng mananaya ang winning combination na 18-25-10-28-22-27.

Napanalunan niya ang aabot sa P8,597,525 na jackpot prize.

Dagdag ng PCSO, tinaya ang nanalong ticket sa isang lotto outlet sa Batangas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?