24

By

Batangas, Cagayan, Davao inuga ng lindol

Sharing is caring!

Bahagyang inuga ng lindol ang ilang parte ng Calatagan sa Batangas, ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bandang alas-10:45 Sabado ng umaga (Setyembre 8) nang bahagyang umuga ang kalupaan sa Calatagan na naitalang nasa 2.3 magnitude na lindol at may lalim na 141 kilometro.

Wala namang naitalang nasira sa naganap na pagyanig.

Samantala, magkasunod na lindol naman na magnitude 3.0 ang naitala sa Sta. Ana, Cagayan, Biyernes naman ng gabi, Setyembre 7.

Unang yumanig bandang alas-11:09 sa 43 kilometro Hilagang-Kanluran ng bahagi ng Santa Ana at bandang 11:13 naman nang maitala ang ikalawang pagyanig sa episentro na may layo ring 43 kilometro.

Parehong may lalim na isang kilometro ang mga pagyanig at tectonic ang dahilan at walang naganap na aftershocks matapos ang pagyanig.

Habang sa Davao Occidental naman ay niyanig din ng magnitude 3.0 na lindol.

Nakasentro ang pagyanig sa Don Marcelino sa lalawigan ng Davao Occidental bandang alas-7:33 noong Biyernes din.

Nasa 25 kilometro ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin nito at walang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, o mga aftershocks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?