104

By

Batang volleyball player, mala-Catriona mag-serve!

Nag-viral ang agaw-eksenang pagse-serve sa volleyball game ng isang batang player dahil sa mala-Miss Universe na lakad at pagbato nito ng bola sa ginanap na 2nd Congressional Meet sa Pavia, Iloilo noong Nobyembre 8.

Sa video ay kopyang-kopya ni Gian Carlo Calugas, ng Dorog Elementary School ang mala-lava walk ni Miss Universe Catriona Gray bago mag-serve ng bola sa laro.

Bukod sa kakaibang pagrampa bago pumalo ay sinasamahan pa ni Calugas ng tumbling, pag-i-split at dive ang pagtanggap nito ng bola sa court.

Katwiran ng teenage player ay style niya iyon para mawala sa focus ang mga katunggali sa kainitan ng kanilang laban. Bukod dito ay idol din niya si Catriona kaya nagagawa niyang irampa ang catwalk ng waging Miss Universe.

Dahil sa nakakatuwang galaw at pakitang gilas ng volleyball player ay umabot na sa higit 6,000 shares at 11,000 likes sa Facebook ang in-upload na video ni Harold June Cañonaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?