262
Batang Pinoy Visayas leg hahataw sa Iloilo
By

Batang Pinoy Visayas leg hahataw sa Iloilo

Magsisimula na sa Linggo, Pebrero 24, ang inaabangang Batang Pinoy Visayas qualifying leg na gaganapin sa Iloilo City sa pangunguna ng Philippine Sports Commission (PSC).

Inaasahan na mahigit 3,000 batang atleta mula sa 67 local government units ang lalahok sa mga sporting event.

Masaya at excited na rin si Iloilo City Youth and Sports Development Office Head Moises Salomon, Jr. para sa nasabing palakasan. “The city and province of Iloilo have been wanting to host the Batang Pinoy and we are glad it’s finally happening here.”

“Final preparations are currently being done to assist not just the athletes, but also the 572 coaches and 135 delegation officials attending the games,” dagdag naman ni National Secretariat Deputy Head Paul Ycasas.

Dinetalye rin Ycasas ang anim na paaralan na pagdarausan ng Batang Pinoy, ito ang La Paz Elem. School, Graciano Elem. School, Pison Elem. School, Montes Elementary School, Jaro Elem. School at Jalandoni Memorial Nat’l High School.

Sa nakaarang Batang Pinoy Visayas leg noong Nobyembre 2018, nagwagi ang Cebu City ng 46 gold medals, 59 silver medals and 69 bronze medals, at Dumaguete City bilang hosts sa ikalawang pwesto na may 41 gold, 29 silver and 44 bronze.

Kagaya ng Mindanao leg na ginanap sa Tagum, Davao del Norte noong Pebrero 2- ay makakaroong ng 20 sporting events sa 15 magkakaibang playing venues.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?