165

Oct 20, 2017 @ 21:11

Batang Pinoy all set sa Vigan

ILOCOS SUR – Umabot na sa 5,585 athletes, coaches at officials ng 122 local government units ang pumasok sa registration books sa bisperas ng pagbubukas ng 10th Philippine National Youth Games-Batang Pinoy Championships Luzon Qualifying Leg sa Vigan City.

Ayon kay Philippine Sports Commission Program, Research and Development Division acting chief Gloria Quintos, bukod sa LGUs na unang nagkumpirma ng paglahok sa Maynila ay maraming grupo at out-of-school-youth pa ang nag-onsite registration sa Vigan Convention Center kahapon.

Solidarity meeting muna sa Quirino Stadium alas-9:00 ng umaga ngayon, delegations assembly sa Provincial Capitol grounds ng alas-12:00 ng tanghali, parada sa ala-1:00 ng hapon pa-opening ceremonies sa alas-2:00.

Pagtatagisanan sa weeklong 15-under meet ang archery, arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, boxing, beach volleyball, chess, dancesport, karatedo, lawn tennis, pencat silat, sepaktakraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo at volleyball. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?