13

Apr 7, 2021 @ 15:48
By

Batang pasyente na may malubhang COVID case dumarami? DOH iniimbestigahan

Sinisiyasat ng Department of Health (DOH) ang mga ulat na mas maraming Pinoy sa batang populasyon ang nakararanas ng malubhang kaso ng COVID-19 ngayon.

Sabi pa ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa isang online media briefing, karamihan sa mga bagong kaso ng coronavirus sa bansa ngayon ay mula sa mga edad 20 hanggang 49 dahil sila ang nasa working-age group.

“Tinitingnan natin ito in that manner, pero of course, we are really looking at that aspect ngayon, ‘yung sinasabi ng ating clinicians that there are more younger people that are having severe infections compared to before,” ani Vergeire.

Banggit pa ng DOH official, may ilang pag-aaral sa ibang bansa na nagsasabing posibleng may epketo ang mga bagong COVID-19 variant sa kalubhaan ng impeksyon at reinfection.

Pero nilinaw din niyang wala pang sapat na ebidensya na sumusuporta sa nasabing posibilidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?