62

Dec 18, 2019 @ 13:44
By

Batang ni-recruit ng NPA, nasagip sa Isabela

Nasagip noong Martes ng 86th Infantry Battalion, Philippine Army (PA) ang isang 17-anyos na itinuturing na child warrior dahil ginagawang utusan ng New People’s Army (NPA) sa Echague, Isabela.

Ayon kay Major Noriel Tayaban, spokesperson ng 5th Infantry Division ng PA, nasagip ang batang warrior na nakilala sa pangalang ‘Ka Macoy’ kasunod ng naganap na engkwentro ng militar at NPA sa Barangay S an Carlos, Echague, Isabela.

Sinabi ni Tagaban, magsagawa ng hot pursuit operation ang hanay ng kasundaluhan at nakitang naiwan si Ka Macoy sa lugar kung saan nakakuta ang mga rebelde.

Nakuha sa child warrior ang isang M-16 rifle, apat na long magazine na naglalaman ng iba’t ibang bala, mga dokumento at marami pang iba.

Aminado naman umano si ‘Ka Macoy’ na miembro siya ng makakaliwang pangkat kung saan siya ang ginagawang utusan ng mga rebelde mula nitong 2018.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Echague Police Station si Ka Macoy.

Samantala, sinabi naman ni Tayaban na isa lamang propaganda ang unang naging pahayag ng Karapatan Cagayan Valley sa kanilang Facebook account na sapilitang kinuha ang 17-anyos na child warrior.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?