76

Jul 6, 2020 @ 22:38
By

Batang namitas, natuhog ng bakal hanggang leeg

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 11-anyos na bata sa pamimitas ng aratiles sa Sta. Fe, Cebu.

Sa isang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho”, sinabi ni Harvey na pagkatapos niyang maligo ay umakyat siya sa bubungan ng kapitbahay para pitasin ang bunga ng aratiles kasama ang ibang mga bata.

Pero nadulas siya at nahulog mula sa bubungan at bumagsak sa nakausling bakal.

Tumusok sa kaliwang kilikili ni Harvey ang bakal at tumagos sa kaniyang leeg.

Sa kabila nito, nanatiling may malay si Harvey at nadala sa ospital.

Masuwerte ang bata na walang ni isang tinamaan sa mga vital organ niya na maaaring ikamatay nito.

Makalipas ang isang oras na operasyon, himalang natanggal ang bakal na nakatuhog sa bata at naging stable ang lagay nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?