269
Batang nakalunok ng barya sa Palawan, tagumpay na naoperahan
May 29, 2019 @ 16:31
By

Batang nakalunok ng barya sa Palawan, tagumpay na naoperahan

Naisalba sa kapahamakan ang isang batang babae matapos itong makalunok ng P10 barya sa bayan ng Cuyo sa Palawan.

Ayon sa ulat, naglalaro ang bata noong Mayo 22 nang aksidenteng malunok ang barya.

Agad siyang isinugod sa Cuyo District Hospital dahil nagsusuka at naglalaway umano ito.

Umabot umano sa esophagus ang barya kaya medyo komplikado ang pagtatanggal nito.

Nagdalawang-isip pa umano ang doktor na si Emmanuel Olmoguez na operahan ang bata pero pinilit ding maisalba ang buhay nito sa pamamagitan ng catheter.

Umani naman ng papuri at pasasalamat mula sa mga netizen ang ginawa na ito ng doktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?