566

Dec 9, 2017 @ 17:30
By

Batang Koreano nahulog sa condo, patay

Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang batang Koreano matapos itong mahulog mula sa condominium building sa Taguig City kahapon ng hapon.

Base sa ulat, kinilala ang biktima na si Kim Do Young, apat na taong gulang.

Ideklara itong dead on arrival sa St. Luke’s Medical Center Global City.

Nabatid na alas-12:05 ng hapon nang mahulog ang bata mula sa kanilang unit sa ika-39 palapag ng Two Serendra sa Bonifacio Global City.

Hindi pa malinaw kung paano nahulog ang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?