633

By

Batang huminto para magbigay-pugay sa pambansang awit, viral!

Umani ng papuri ang isang estudyante matapos itong makuhanan ng larawan sa daan nang huminto at inilagay ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib nang marinig ang national anthem na Lupang Hinirang.

Ayon sa may-ari ng viral na litrato na si Glynis Amazona, nakita niya ang estudyante sa harap ng Bogo Elementary School sa bayan ng Argao, Cebu nang papunta siya sa kanyang trabaho.

Huminto umano ang bus na sinasakyan niya bilang pagbibigay-pugay sa watawat at sa pambansang awit, na siya ring ginawa ng estudyante.

Ayon sa ilang ulat, nakilala ang bata na si Jerick Caminero, isang Grade 1 pupil ng Bogo Elementary School.


Maraming netizens ang humanga sa bata at sinabing ito ang dapat tularan ng iba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?