73

Jan 4, 2022 @ 15:45
By

Batang hindi bakunado bawal lumabas

Hindi muna papayagang lumabas ng bahay ang mga batang hindi pa bakunado laban sa COVID-19 sa ilalim ng Alert Level 3, maliban na lamang kung bibili ng pagkain o pupunta sa dentista at iba pang mahalagang pakay na hindi maaaring maipagpaliban.

Ito ang inihayag sa Laging Handa press briefing ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos matapos maging epektibo ang Alert Level 3 sa Metro Manila.

Ayon kay Abalos, maaari lamang payagang makapag-ehersisyo ang mga menor de edad sa labas ng kanilang mga bahay o kaya sa barangay.

“They should remain in their residences at all times except for the procurement of essential goods and services ‘no — may mga exemptions po ito — dental, etcetera, etcetera. However, outdoor exercises shall be allowed within the general area of residence – that is the barangay, the purok, etcetera,” ani Abalos.

Off-limits din ang mga batang hindi bakunado sa malls, restaurants at iba pang establisyimento para makaiwas sa peligro ng COVID-19 matapos muling tumaas ang datos sa mga tinamaan ng nabanggit na virus.

“Number two, pinagbabawal po ‘no, of course kung ang mga bata ay hindi bakunado, iyong indoor and outdoor al fresco dine-in restaurants and other food establishments, kasama ang leisure, social trips to malls, hotels, events, sports, country clubs and similar facilities,” dagdag ni Abalos.

Gayonman, sa kabila ng mga paghihigpit, mayroon namang exemption aniya para sa mga bata lalo na kung kailangang-kailangan.

“Pero of course may exceptions siguro ito sa pagbili ng pagkain, tubig, mga gamot, public utilities, trabaho, energy etcetera ‘no. So iyon more or less pagdating po rito sa mga tinatawag na menor de edad,” wika ni Abalos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?