32

By

Batang Gilas kinawawa ng France, 95-54

Sharing is caring!

Bigong muli ang Batang Gilas, na mula sa pagkatalo sa Croatia, ay sa mga kamay naman ngayon ng European champion France nasawi, 95-54, sa Fiba U17 World Cup ngayong Lunes ng umaga sa Argentina.

Nakakasabay pa ang Pinoy squad sa dalawang unang quarters pero naiwan ng France sa second half.

Matapos lumamang ng manipis na 38-32 sa halftime, bumulusok ang France sa third quarter, at nahigitan ang Pilipinas, 35-13.

Nanatiling maalab ang France sa final frame at nalimitahan lang ang PH team sa siyam na puntos.

Dasal ngayon ng Batang Gilas na makabalikwas sa Miyerkules laban sa host Argentina. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?