75

Feb 15, 2020 @ 15:39
By

Batang basted dahil ayaw sa gulay, niregaluhan ni Heart Evangelista

Paniguradong hindi na malulungkot ang batang inayawan ng kanyang crush dahil payat daw sa hindi pagkain ng gulay.

Ito’y dahil si Heart Evangelista lang naman ang nakapansin sa kanya.

Sa tweet ni Heart, siya’y natuwa kay Eman, isang Grade 4 student mula Sorsogon, na binigyan ng letter ng kanyang crush para sabihing hindi niya gusto si Eman dahil ayaw nito sa gulay.

Makikita rin sa tweet ni Heart na nagbigay ito ng isang box ng mga treats dahil sa tuwa sa bata.

Pinakita rin ni Heart ang sulat na ginawa ni Eman para sa kanya, nangangakong kakain na raw ito ng gulay.

“One of the sweetest birthday greetings I got! (heart emoji) Kain ka ng maraming gulay, Eman! Happy Valentine’s Day din sayo at salamat sa pagalala ng birthday ko,” sey ni Heart.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?