331

May 8, 2019 @ 16:44
By

Batang 90s pinuri ni Chito Miranda

Ikinumpara ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda ang mga millennial sa mga kabataan noong 90s.

Matapos ang pagkanta nila sa classic hits na “Silvertoes” sa isang gig sa Makati noong weekend, nagpasalamat si Chito sa mga batang 90s na hindi na-offend sa kanta at na-appreciate ito.

“Ito sandali ah, disclaimer lang. Nothing against the millennials pero sometimes ‘yung mga millennials, masyadong sensitive. Pare, noong nilabas namin ‘yung kanta na ‘yan (“Silvertoes”), walang na-offend. Alam niyo kung bakit? Tayong mga batang ‘90s, we don’t get offended by songs,” ani Chito.

Aniya, kung ngayon umano inilabas ang “Silvertoes” ay mayayari sila sa Twitter.

“Can you imagine kung ngayon namin nilabas ‘yan? Yari kami sa Twitter! Iba ang away ngayon, pare,” saad niya.

Nag-sorry naman ang Parokya ni Edgar vocalist sa mga millennial na na-offend sa lyrics ng kanta.

“Kung na-offend kayo, sorry. Pero sa mga batang ‘90s, pare, alam nating matitibay mga dibdib natin,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?