29

Sep 8, 2021 @ 14:37
By

Batang 90s, emosyonal sa paglitaw ng dating Blue’s Clues host

Emosyonal ang mga batang 90’s ngayong Miyerkoles nang ilabas ng Blue’s Clues ang mensahe ng kanilang orihinal na host na si Steve Burns.

Ito ay kasabay ng ika-25 anibersaryo ng palabas.

Sa two-minute video ay nakipag-usap si Steve sa mga fans ng Blue’s Clues na naging parte na rin ng kanyang buhay.

Ipinaliwanag din ni Steve ang naging dahilan ng kanyang pag-alis halos 20 taon na.

“Remember when you were younger, we used to run around and hang out with Blue and find clues and talk to Mr. Salt and freak out about the mail and do all the fun stuff?” wika ni Steve.

“And then one day I was like, ‘Oh hey! Guess what? Big news. I’m leaving,” dugtong pa niya.

“I just kinda got up and went to college — and that was really challenging by the way but great because I got to use my mind and take a step at a time and now, I literally am doing many of the things that I wanted to do,” wika pa ng dating host.

“I wanted to tell you that I really couldn’t have done all of that without your help and in fact all the help you that you helped me with when we were younger is still helping me today right now and that’s super cool,” ani Steve.

“I guess I just wanted to say after all these years, I never forgot you…ever. And I’m super glad we’re still friends,” saad pa nito.

Kaya naman, trending sa Twitter Philippines ang topic tungkol kay ‘Steve.’

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?